-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng mga otoridad ang isang tropical depression na may international name na “Haishen” sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Huling naitala ang lokasyon ng bagyo sa distansyang 1,205 kilometro sa silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at may pagbugsong umaabot naman sa 70 kilometro bawat oras.

Kasalukuyang kumikilos ang bagyo pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.