-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ang dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang unang LPA ay kasalukuyang nasa loob ng PAR ngunit itinuturing na maliit ang posibilidad na muling maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Ito ang dating bagyong Luis na una nang nakaapekto sa ilang bahagi ng ating bansa.

Samantala, ang ikalawang LPA naman ay may “low chance” o mababang posibilidad na maging tropical depression sa parehong panahon.

Bukod dito, nakatutok din ang DOST sa Typhoon “Dolphin” na nasa labas ng PAR.

Bagama’t wala pa itong direktang epekto sa bansa, patuloy na mino-monitor ang galaw nito upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Pinayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga susunod na abiso at maging handa sa posibleng epekto ng mga weather disturbances, lalo na sa mga lugar na madalas tamaan ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.