-- Advertisements --

Kinuwestyon ng batikang aktor na si Edu Manzano ang pag-aalok ang PH government ng P50 million bilang pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Sen. Ronald Dela Rosa para sa tuluyan niyang pagkaka-aresto.

Tanong ni Manzano, mali bang tanungin ang gobiyerno kung bakit nag-aalok ito ng P50 million para mahuli ang nagtatagong senador, gayong wala namang lokal na korte na naglabas ng warrant laban sa kaniya?

Nanindigan din si Manzano na hiwalay na usapin ang warrant na nagmula o inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Aniya, ‘deserve’ ng publiko ang malinaw na paliwanag ukol sa legal na basehan ng naturang reward at ang paggamit ng public funds para sa pagkaka-aresto sa nagtatagong senador.

Unang kinumpirma ng ICC na mayroon ngang warrant laban kay Sen. Dela Rosa noong kalagitnaan ng Mayo 2026, kasunod ng tuluyang paglutang noon ng naturang senador, ilang buwan mula noong huli siyang nasilayan ng publiko.

Gayonpaman, hindi ipinatupad ng PH authorities ang arrest order matapos na bigyan ng Senado ng ‘protective costudy’ ang dating Philippine National Police chief.

Kinalaunan, tuluyan ding nakatakas ang naturang senador at hindi na muli siya nakita mula noon.