-- Advertisements --

Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga batang edad 17 pababa sa Miyerkules, Nobyembre 4, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-34 na National Children’s Month.

Ayon sa DOTr-MRT-3 at Light Rail Transit Authority (LRTA), maaaring makasakay nang libre ang mga kabataan mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

Isinasagawa ang programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month at pagbibigay-pugay sa karapatan at kapakanan ng mga bata.