-- Advertisements --

Asahan sa susunod na linggo ang mas murang pamasahe sa ilang tren sa Metro Manila.

Simula kasi sa Lunes, Marso 23, makakatanggap ng 50 porsyentong diskwento ang mga pasahero sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) at Light Rail Transit 2 (LRT-2).

Ang hakbang ay sa gitna ng pagsipa ng mga presyo ng langis at iba pang bilihin dahil sa epekto ng nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mananatiling epektibo ang 50 diskwentong natatanggap ng mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga estudyante na gumagmit ng Beep cards.

Habang ang mga regular na pasahero na gumagamit ng Beep cards ay awtomatikong makakatanggap ng 50 porsyentong diskwento o kalahati ng kanilang pasahe.

Ang mga wala namang Beep cards ay maaaring bumili ng single-journey tickets, na mabibigyan din ng parehong diskwento.