-- Advertisements --

Paiikliin ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang oras ng operasyon sa Hulyo 25 upang bigyang-daan ang agarang pagkukumpuni at pagpapalit ng rigid frognose sa pangunahing riles sa pagitan ng V. Mapa at J. Ruiz Stations.

Magsisimula ang unang biyahe mula Antipolo at Recto Stations alas-5 ng madaling araw.

Ang huling biyahe mula Antipolo ay alas-7:30 ng gabi, habang alas-8 naman ng gabi mula Recto.

Maglalaan ang pamunuan ng LRT ng mga shuttle van para sa mga apektadong pasahero at makikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Railways (PNR) para sa karagdagang transportasyon.

Ang rigid frognose ay bahagi ng riles na nagsisiguro ng maayos na paglipat ng tren mula sa isang linya patungo sa iba.