-- Advertisements --

Patay ang pitong katao matapos na salpukin ng pampasaherong van ang tatlong iba pang sasakyan sa Zamboang del Sur.

Sa nasabing insidente ay mayroong 13 iba pa ang nasugatan.

Limang biktima na nakasakay sa van ang agad na nasawi habang ang isang biktima ay nasawi habang lulan ng motorsiklo.

Ang isang biktima na pasahero ng isang tricycle ay nasawi habang ito ay ginagamot sa pagamutan.

Sinabi ni Police Regional Office 9 spokesperson Police Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 na nawalan umano ng preno ang van kaya nangyari ang aksidente.

Galing ang van sa Ipil, Zamboanga Sibugay at patungo sana ito sa Pagadian City.

Nakikipagtulungan naman ang may-ari ng van sa mga kapulisan ganun din ang pamilya ng mga biktima.