Mahigit P69 milyon halaga ng marijuana ang winasak ng Philippine National Police (PNP) sa serye ng operasyon sa Benguet.
Sa loob ng isang linggo, 24 na operasyon ang isinagawa mula Marso 16–22, 2026.
Nakumpiska rito ang 72,900 fully grown marijuana plants at 420 seedlings.
Kasama rin ang 454 kilo ng tuyong dahon, tangkay, at fruiting tops.
Agad itong sinunog ng mga awtoridad upang hindi na magamit pa sa anumang kasamaan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., tuloy-tuloy ang kampanya kontra droga at naka-focus sila sa main source ng mga ipinagbabawal na gamot at malalaking personalidad na nasa likod nito.
Binigyang-diin niya na hindi titigil ang pulisya sa pagwasak sa mga taniman ng marijuana.
Layunin ng operasyon na putulin ang supply ng ilegal na droga at protektahan ang komunidad.
















