-- Advertisements --

Pinanatili ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 4 ang fuel surcharges sa mga eroplano ngayong Enero.

Ayon sa CAB, sa ilalim ng Level 4 fuel surcharges ay magbabayad ang mga pasahero ng mula P117 hanggang P342 sa domestic flights.

Habang sa mga international flights ay maglalaro ang fuel surcharges mula P385.70 hanggang P2,867.82 kada pasahero.

Huling nag-adjust ng fuel surcharge ay noon pa ng Agosto na mula sa dating Level 3 ay naging Level 4 na ito ngayon.