Tinanggap ni Senador Rodante Marcoleta ang alok ng Philippine Bar Association (PBA) na mag-host ng debate sa pagitan niya at ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay ng usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Nauna nang tinanggap ni Carpio ang alok ng organisasyon, ngunit nais ng retiradong mahistrado na maging saklaw ng debate kung legal na umiiral ang WPS at kung bahagi nito ang KIG.
Sa panig ni Sen. Marcoleta, inilatag niya ang tatlong punto: una, ang tungkulin ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) at DFA na tukuyin at isumite ang hangganan ng Philippine EEZ bilang pagpapatupad ng arbitral award; ikalawa, ang pagwawasto sa mga mapa kaugnay ng KIG; at ikatlo, ang obligasyon ng estado sa ilalim ng UNCLOS na magsumite ng charts at abiso.
Naniniwala ang senador na sapat ang mga ito para sa isang makabuluhang debate.















