-- Advertisements --

Iginiit ni constitutional expert at dating law dean Ralph Sarmiento na dapat ibatay sa kabuuang 24 na miyembro ng Senado ang two-thirds vote na kailangan upang mahatulan ang isang opisyal sa impeachment trial.

Ayon kay Sarmiento, hangga’t hindi nagbibitiw o pumanaw ang isang senador at legal pa rin itong miyembro ng Senado, dapat siyang isama sa bilang anuman ang kanyang pagliban sa mga pagdinig.

Apat na senador ang kasalukuyang hindi nakadadalo sa paglilitis: sina SEN Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta na kasalukuyang nakakulong kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa flood control scandal; SEN Bato dela Rosa na nagtatago sa gitna ng ICC arrest warrant laban sa kanya; at SEN Loren Legarda na naka-extended medical leave.

Nilinaw ni Sarmiento, na tumangging maging testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, na ang kanyang interpretasyon sa two-thirds vote requirement ay hindi nangangahulugang isinusulong niya ang panig ng alinmang kampo.