-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng mga medical experts ang kalusugan ni Senator Rodante Marcoleta.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel (PLt. Col.) Benaly Bayani -Chief of Internal Medicine at the Philippine National Police (PNP) General Hospital, na nakaranas ito ng mild pneumonia, hypertension at degenerative disc disease.

Isa sa mga dahilan nito ay dahil sa edad ng senador.

Maaaring umabot pa ng anim na rehabilitation therapy sessions kasama ang regular intake nito ng pain relievers.

Hinihintay ng mga otoridad na tuluyang mag-stabilized ang kaniyang blood pressure bago tuluyang mailipat sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Magugunitang mula pa noong Lunes ng ito ay inaresto ng mga kapulisan dahil sa kasong plunder ay naka-confined na ito sa Philippine National Police (PNP) General Hospital matapos na makaranas ng pananakit ng dibdib.