Inihayag ni Pure Energy Garry Valenciano na kung makakausap man niya ang kontrobersiyal na si Alvin Aragon ay handa itong magbigay ng payo at karabnasan tungkol sa aral ng Diyos.
“Maybe someday, if we do talk, I’d like to find out, ‘Dude, what’s going on? What’s going on with you and God? Tara, share tayo. Tayo tayo lang. Walang makakaalam nito,” ani Garry sa isang interview.
Aminado si Gary V. na hindi niya alam ang kabuuang espirituwal na karanasan na pinagdaanan ni Alvin.
“Well, I don’t know what kind of walk Alvin has had with the Lord that he talks about. And I know he’s talking about the same God that I’m talking about. We both quote from the same Bible, you know, and all,” pahayag ng batiking singer.
Para kay Gary, ang pagsunod sa tinig ng Diyos ay hindi laging madali, lalo na kung iba ito sa pananaw ng ibang tao.
Pinuri niya ang epekto ng kontrobersiya sa pagbubukas ng mas malalim na diskusyon tungkol sa pananampalataya.
“I’m not one who will judge him, you know. He is as unperfect as I am. And I’m just thankful that he’s keeping himself grounded on what he believes in,” sambit niya.
Magugunitang nag-ugat ang viral statements ni Alvin matapos niyang punahin ang personal na buhay ng ilang miyembro ng SexBomb Girls, pati na rin ang kanilang pananamit at sayaw ng mga ito.
Naging usap-usapan din ang komento niya tungkol sa sexual orientation ni Sofia Trazona, ang transgender na anak ng kanyang misis na si Izzy sa dating partner.
Binanggit din ni Alvin ang Bibliya at nag-mention ng ilang artistang magulang na tumanggap sa kanilang LGBTQIA+ na anak, kabilang sina K Brosas, Ian Veneracion, at Gloc 9. Dahil dito, maraming netizen ang bumatikos sa kanya at sa kanyang pamilya.
















