-- Advertisements --

Pumalag si Jopay Paguia-Zamora na isa sa mga miyembro ng SexBomb kung saan inamin niya na sumobra ang mga naging pahayag ni Alvin Aragon, asawa ng dating miyembro nitong si Izzy Trazona tungkol sa naging mensahe ni Alvin na bakit pinapayaga ng mga asawa ng miyembro ng SexBomb ang kanilang misis na magsuot na ”malalaswang kasuotan habang sumasayaw.”

“The saddest and most painful part for us in SexBomb is that he started name-dropping and our husbands got dragged into it. Please be careful with the words you deliver. There’s a proper way to say things. We were always taught that if you want to disciple someone, they should see it in you,” ani Jopay sa isang TV interview.

Nilinaw niya rin na nirerespeto niya ang desisyon ni Izzy na hindi sumali sa reunion performance.

“I have nothing to say against Izzy. She knows I love her very much. I respect whatever decision she made from the start. I have nothing against that. But Alvin, if you have a problem, we will pray for you.”

Dagdag niya na kahit mula sa Bibliya ang sinabi ni Alvin, mahalaga parin daw ang tamang paraan ng pagpapahayag.

“What he said, it’s really in the Bible. It’s there. But maybe for us, we should be careful in how we say things. Not everyone is a believer. And even if they are, that’s not the approach. It’s still painful for me. Our husbands got dragged into it.”

Samantala naglabas din ng kanyang saloobin si K-Brosas sa social media kung saan nadamay ang pangalan pati ang mga kapwa celebrity parent sa isang interview ni Alvin na kinondena ang pag-suporta ng mga ito sa kanilang LGBTQIA+ na anak.

Ani Brosas, wala siyang intensyong pansinin si Alvin hanggang sa nabanggit na lang daw ang kanyang pangalan kung kaya’t sinabi nito na walang ambag si Alvin para panghimasukan ang kanilang buhay.

Bagama’t may halong biro ang ilan sa kanyang mga pahayag, inamin niya na naiinis siya sa paulit-ulit na pagbanggit ni Alvin sa Bibliya at sa kanyang tinawag na “sweeping judgment.”

“To be honest, I was irritated. That’s really it. I’m just putting it into jokes. You always mention the Bible,” ani Brosas.

Dagdag pa ng singer-komedyante na ang pagtanggap sa kasarian ng kanyang anak ay hindi sumasalungat sa kanyang pananampalataya.

Tinapos ni Brosas ang kanyang mensahe sa pagpapakita ng suporta kay Sofia Trazona, transgender na anak ni Izzy, na una nang nakatanggap ng pambabatikos online.

Hanggang sa kasalukuyan, ‘wala pang bagong pahayag si Alvin bilang tugon sa mga reaksyon nina Brosas at miyembro ng SexBomb Girls.