-- Advertisements --

Tila dismayado ang kontrobersyal na si Alvin Aragon sa mga taong pinipiling hindi magsimba dahil sa masungit na panahon.

Sa isang Facebook post ng dating entertainment alumnus, ibinahagi niya ang kaniyang pananaw na hindi umano sapat na dahilan ang maulang panahon upang hindi na mag-simba ang mga tao.

Inihalintulad din niya ito sa mga unang Kristiyano na umano’y humarap sa mas mabibigat na panganib dahil sa kanilang pananampalataya.

Aniya, tila may ilang taong handang harapin ang baha kapag pera o pansariling interes ang sangkot, ngunit madaling umaatras kapag pananampalataya na ang usapan.

Binigyang-diin ni Alvin na ang pananampalataya ay hindi lamang dapat isinasabuhay kapag maganda ang panahon o komportable ang sitwasyon.

“Ulan lang di kana nag church! Nung panahon nila Pedro pag lumabas ka at nalaman Christian ka papatayin ka. Ma offend kana kung maoofend ka!”

Kalakip ng kaniyang mensahe ang Bible verse mula sa Hebrews 10:25, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsamba at paghikayat sa kapwa mananampalataya.

Samantala, hindi naman tinukoy ni Alvin kung sino ang partikular na kaniyang tinutukoy o kung may isang insidenteng nag-udyok sa kaniyang pahayag.