Hindi rin pinalagpas ng singer na si Kris Lawrence ang karanasan sa dating celebrity contestant idol noon na si Alvin Aragon tungkol sa insidente noong 2006 kung saan ninakaw umano ang kanyang cellphone.
Ginawa ng singer ang pahayag matapos muling mag-viral ang lumang video ni Alvin kung saan inamin nitong ninakawan ang singer at ang iba pang tao.
Sa kanyang social media page noong Lunes, ibinahagi ni Kris kung paano niya nakilala si Alvin kasama ang isang grupo sa isang bar kasama ang kaibigang singer na si Jay R.
Kwento niya nang magsara na raw ang bar, inanyayahan niya ang grupo sa kanyang bahay para magpatuloy sa pag-inom.
“They came to the house and we started drinking in the studio. [Nung] sumisikat na ‘yung araw, pack up na, umalis na sila. When I was going back to my room, I noticed that nawawala ang cellphone ko,” ani Lawrence.
Sinabi rin niya na tumawag ang isa sa kaibigan ni Alvin sa kanya upang aminin na si Alvin mismo ang kumuha ng kanyang telepono.
“I was like, ‘Dude, why would you do that? Why would you steal from me in my own house? That’s so disrespectful,’” dagdag niya.
Bagama’t gusto niyang sapakin noon si Alvin ay pinili ni Alvin na huwag gumamit ng karahasan.
“Nag-sorry siya and honestly, my fists were balled up. Gusto ko siyang suntukin pero I know that violence is never the answer, so I said it’s okay. Medyo binibigay ko pa rin siya ng attitude na understandable naman kasi ninakaw niya ‘yung cellphone ko,” ani Lawrence.
Nagpatawa pa si Kris na nakalimutan na niya ang insidente hanggang sa muling lumabas daw ang video ni Alvin.
Sinabi rin niya na alam niyang mabuti nang tao ngayon si Alvin at tinukoy bilang Kristiyanong mabait.
“I know he’s in a better place now. I know he’s a Christian and alam ko naman na mabait si Alvin,” sabi ng singer.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagtanong pa ang singer kay Alvin na may kasamang humor: “Naibalik mo ba [‘yung phone]?”













