-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Nitong alas-6:00 ng umaga ipinatupad ang P1.20 dagdag sa kada litro ng gasolina.

Samantala, ang diesel ay tumaas ng P0.60 kada litro, gayundin ang kerosene na may P0.60 pagtaas kada litro.

Ayon sa Department of Energy (DOE), isa sa mga dahilan ng pagtaas ay ang umiiral na geopolitical tension sa pagitan ng US at Iran, pati na rin ang potensyal na banta sa suplay sa Strait of Hormuz.

Nangangamba ang mga motorista na magpatuloy ang upward trend sa presyo ng petroleum products, na maaaring magdulot ng mas malaking gastos sa kanilang panig.

Dahil dito, nananawagan ang ilang grupo na maibalik ang buffer fund para sa mga inaangkat na langis.