Nahalal bilang bagong pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si PBA chairman Ricky Vargas.
Habang ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan ay nahalal bilang SBP chairman.
Si Vargas ay vice president ng outgoing chief na si Al Panlilio habang si Pangilinan ay dating chairman emeritus.
Pangungunahan nila ang board na binubuo ng 17 upuan kung saan 13 dito ay napunan sa pamamagitan ng halalan ng pederasyon ng 34 aktibong miymbero.
Ang mga sectorial representatives ay binubuo nina Paul Tristan Laus (North Luzon), Edgar Francisco (South Luzon), Robert Uy (Visayas), Renauld Barrios (Mindanao), Jose Franco Soberano (Youth), Bo Perasol, Manuel Raymund Castellano and Eric Altamirano (Schools), Vivian Manila (Women’s) at Pangilinan, Vargas, Alfrancis Chua at Archen Cayabyab (Commercial and Professional).
Sinabi ni Vargas na bubuo sila ng matibay na foundation para sa susunod na henerasyon ng sports leaders para maipagpatuloy ang paglago ng basketball sa bansa.
















