-- Advertisements --
Kinailangan pa ng Converge ng overtime para tuluyang talunin nila ang NLEX 107-95 sa patuloy na PBA Philippine Cup.
Dahil sa panalo ay nakamit nila ang Top 4 na puwesto patungo sa quarterfinals.
Binakbakan ng FiberXers ang walong sunod na puntos sa overtime para tuluyang makontrol ang laro.
Naipilit ng NLEX ang overtime sa pamamagitan ng four-point shot ni Jonnel Policarpio sa fourt quarter at maitabla sa 90-all.
Nanguna sa panalo ng Converge si Justin Baltazar na nagtala ng 25 points at 24 rebounds.
Mayroon ng pitong panalo at apat na talo ang Converge sa pagtatapos ng eliminations habang ang NLEX ay mayroong anim na panalo at limang talo na eliminated na sa torneo.
















