Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na halos nasa 1 milyong mamamayang Pilipino ang naging benepisyaryo ng Benteng Bigas Meron na (BBM) Program simula nang ilunsad ito piyong buwan na ang nakalilipas.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, batay sa pinakabagong ulat at datos ng kanilang departamanto, malapit nang pumalo sa 900,000 na mga benepisyaryo ang nakinabang sa prpgrama at insiyatibong ito ng kasalukuyang administrasyon.
Kasunod nito ay target na aniya ng kanilang tanggapan na gawing moderno ang pagpaparehistro para sa programa para matiyak na makakakuha ang mga intended beneficiaries ng naturang programa.
Aniya, inaasahan kasi na sa pamamagitan ng modernisasyon sa registration ay makatutulong para sa mas mabilis na pag-monitor kung san at gaano kadalas bumibili ang mga target beneficiaries ng P20 rice.
Samantala, target pa rin ng ahensya na mabigyang tulong ang hindi bababa sa 15 milyong pamilya sa ilalim ng programa pagdating ng taong 2026.
















