Nakatakda nang pangasiwaan ng Department of Agriculture (DA) ang pagbuo at konstruksyon ng mga farm-to-market roads projects na siyang naunang proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mas matutukan ang pagbuo sa mga proyekto na siyang isa sa mga pangunahaing hakbang ng departamento para sa mas maayos na produksyon sa mga kanayunan.
Sa naging pagpupulong nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr at ni DPWH Secretary Vince Dizon nitong Martes, ay nagkaroon na ng review at audits sa mga nakalipas na FMR projects.
Tinalakay rin ang mga nakabinbing mga proyekto ngayong taon sa ilalim ng FMR projects sa dapat makumpleto sa ilalim ng catch up plan ng DPWH.
Ani Tiu Laurel Jr., kailangang matapos ang mga kalsadang ito sa lalong madaling panahon upang mapakinabangan ng mga magsasaka at mas mapdali ang kitaan ng mga residente sa kanayunan at mapababa rin ang gastos sa produksyon ng mga ito.
Higit sa 1,000 kilometro pa aniya ang kailangan na matapos sa ilalim ng FMR projects at dapat nang pagisipan ang iba pang mga paraan na maaaring magawa uoang matapos na ang mga proyekto.
Kasalukuyan namang naghahanda na ang departamento para sa turn over ng mga proyekto sa susunod na taon na siyang bahagi ng catch up plan ng administrasyon.
Katuwang naman sa implementasyon ng mga proyekto ang mga lokal na pamahalaan habang nakatakda namang makipagugnayan si Tiu Laurel Jr. kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro para sa posibleng partisipasyon ng Army Corps of Engineers para sa pagbuo ng mga naturang kalsada.
Samantala, nakatakda namang isumite ng DA ang mga audit reports sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) at maging sa Office of the Ombusdman upang mapanagot sa batas ang mga kontraktors at opisyal na hindi tinapos ang mga FMR’s.
















