-- Advertisements --

Kinilala at pinasalamatan ng Department of National Defense (DND) ang mga uniformed personnels na patuloy na naglalaan at nagbibigay ng serbisyo sa kabila man ng holiday season.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat kilalanin at huwag alimutan ang kanilang mga naging sakripisyo at pagharap sa mga kinaharap na isyu gaya ng mga usapin at territorial disputes sa West Philippine Sea (WPS) at maging iba pang mga hamon.

Nagpapakita lamang aniya ito na lagging handa at bukas ang kanilang kagawaran na magbigay ng kanilang assistance at magpabot ng kanilang serbisyong publiko para sa seguridad at pagpapanatili ng soberaniya ng bansa.

Nanawagan din ang kalihim sa publiko na ipagdasal din ang kaligtasan at pagbibigay gabay sa bawat isa para sa mas epektibong pagganap ng kanilang departamento sa at maging ng iba pang ahensya sa kani-kanilang mandato.

Kasunod nito ay inihayag din ng kalihim na patuloy lamang ang kanilang trabaho ngayong holiday season katuwang ang mga kaugnay na mga ahensya ng kagawaran.

Aniya, layon nito na matiyak na magiging payapa at walang maging banta sa segurdad ng publiko para sa pagdiriwang ng Pasko.

Tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang malalim na ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan sa isa’t isa para sa mas maayos at ms mabilis na pammahagi ng kani-kanilang mga serbisyo na siyang pangunahing inaasahan rin ng publiko.

Samantala, siniguro rin na patuloy naman na magbabantay at magtutulungan ang buong kawani ng pamahalaan para sa pagbibigay ng tulong sa mga pamilya ng buong kasundaluhan.

Lalo naming paiigtingin ng DND ang kanilang mandato na panatilihing ligtas ang buong bansa at ang mga nasasakupan nito.