Inaasahang makakaranas ang mga Pilipino ng karaniwang maayos na panahon ngayong Araw ng Pasko, ayon sa state weather bureau, matapos sabihin ng ahensya na wala silang namo-monitor na low-pressure area na papasok sa Philippine Area of Responsibility sa loob ng susunod na tatlo hanggang limang araw.
Iiral ang easterlies sa Metro Manila at sa malaking bahagi ng bansa. Dahil dito, posibleng makaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.
Ang parehong sistema ng panahon, na nagdadala ng mainit at maalinsangang kondisyon, ay inaasahang makaaapekto rin sa Bicol Region at lalawigan ng Quezon, kung saan inaasahan ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang thunderstorms.
Samantala, paiiralin naman ng northeast monsoon o amihan ang Cagayan, Isabela, at Aurora. Sa mga lugar na ito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mahinang pag-ulan sa loob ng 24 oras.
Makakaranas din ng amihan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, at Central Luzon, kung saan inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang mahinang pag-ulan. (report by Bombo Jai)
















