Nakatanggap ng 28 na radio challenges mula sa barko ng China ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nangyari ito habang nagsagawa ang BFAR at PCG ng Maritime Domain Awareness (MDA) flight sa Bajo de Masinloc nitong Biyernes.
Ayon sa PCG na gamit nila ang eroplano ng BFAR ng matanggap ang radio challenges mula sa Peoples’ Liberation Army-Navy na barko sa bahagi ng 81.42 nautical miles northeast ng Bajo de Masinloc.
Nakita rin ng PCG ang dalawang boya na pag-aari ng China malapit sa Bajo de Masinloc at isang fighter jet.
Ang nasabing eroplano ay nagsagawa ng pagmaniobra dakong alas-10:30 ng umaga na may taas na tinatayang 6,000 talampakan.
Sinagot ng PCG ang radio challenges kung saan ang MDA flights ay naaayon sa international law.
Natitiyak ng PCG na itutuloy nila ang nasabing pagsasagawa ng regular na MDA para sa kaligtasan ng mga mangingisdang Pinoy at sa soberanya na rin ng Pilipinas.
















