-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan at kagustuhang tumestigo ang hindi umano’y dating bagman ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga para sa magiging impeachment proceedings laban sa Bise Presidente kung ito ay ipagutos ng Senado at maging ng Kamara.

Sa isang panayam, sinabi ng legal counsel ni Madriaga na si Atty. Raymund Palad na ito ay nakadepende pa kung sakali man na siya ay mabigyan ng subpoena para dumalo sa mga pagtalakay sa impeachment.

Ani pa ni Palad, dahil sa naging pagsuusmoite ni Madriaga ng kaniyang mga salaysay, pwede aniya itong ipawatag sa kongreso at maging sa Ombudsman.

Maliban dito, ikinagulat din umano ng panig ni Madriaga na nagamit ang mga affidavit nito sa paghahain ng impeachment complaints laban kay VP Sara.

Dito kasi nakasaad ang mga akusasyon ni Madriaga laban sa Pangalawang Pangulo hinggil sa paggamit umano ng pera nito mula sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at mga drug dealers para sa kaniyang pangangampaniya noong nakaraang eleksyon 2022.

“Yung pagsama ng affidavit sa impeachment, hindi ko alam yon. Kung isinama pala yon, at least nand’yan na siya,” salaysay ni Palad.

Samantala, kinumpirma naman ni Palad na humingi ng request sa kaniya si dating senador Antonio Trillanes na bisitahin si Madriaga upang talakayin ang iba pang nilalaman ng affidavit nito na siya naman aniyang pinahintulutan ng kanilang panig.

Nakatakda namang umapela at magsumite ng kanilang application ang panig ni Madriaga para sa isang Witness Protection Program (WPP) dahil na rin sa mga death threats na natatanggap nito.