-- Advertisements --

Tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na kaniyang tutugunan ang matagal ng ginagawang mass promotion.

Matapos ang isinagawang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) , nanawagan ang Kalihim na dapat ay matapos na ang nasabing gawain.

Nahaharap kasi sa pressure ang mga guro na ipasa ang mga hindi kwalipikadong mag-aaral para makamit lamang ang administrative performance target.

Dagdag pa nito na sa halip na turuan ng mabuti ng guro ang mga mag-aaral ay mapipilitan na lamang itong ipasa ito.

Base kasi sa Comprehensive Rapid Literacy Assessmen na noong 2024-2025 ay 48.76 percent ng mga mag-aaral ang hindi marunong magbasas sa Grade 3.

Habang 30.5 percent lamang na mga mag-aaral ang magaling sa pagbasa sa nasabing level at ang karunungan ng bawat mag-aaral ay bumababa tuwing sila ay umaangat.