-- Advertisements --
Inalok umano ni US President Donald Trump si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama ang Pilipinas sa Board of Peace, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez.
Sinabi ni Romualdez nitong Pebrero 5 na nagpadala ang White House ng personal na liham ni Trump kay Marcos para sa imbitasyon. Ang Board of Peace, na inilunsad noong huling bahagi ng Enero, ay may hindi bababa sa 26 na founding member states at unang nakatuon sa peace efforts kaugnay ng Israel-Gaza conflict.
Gayunman, nilinaw ni Romualdez na bagama’t may requirement na $1 bilyon na kontribusyon ang mga founding member, bukas lamang ang Pilipinas sa non-monetary support, gaya ng pagbibigay ng human resources. (report by Bombo Jai)















