-- Advertisements --

Nagsagawa ng tinaguriang “Holiday Protest” ang transport group na PISTON sa harap ng tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) sa EDSA, San Juan City ngayong Disyembre 2025.

Layunin ng kilos-protesta na ipanawagan ang pagbabasura sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na anila’y nagdudulot ng dagdag na pasanin sa mga tsuper at operator ng jeepney.

Mariing tinututulan ng grupo ang phaseout ng tradisyunal na jeepney at ang pagpapalit nito ng modern units na nagkakahalaga ng P2.4–P2.8 milyon bawat isa.

Nanawagan din sila ng mas makataong transisyon, subsidyo mula sa pamahalaan, at mas mahabang panahon para sa implementasyon ng programa.

Kamakailan, 19 na jeepney ang na-impound ng Land Transportation Office matapos umanong lumahok sa mga protesta ngunit kalaunan ay pinalaya nang walang multa.

Nanindigan naman ang DOTr na tuloy ang modernisasyon bilang bahagi ng mas malawak na plano para sa mas ligtas at mas episyenteng pampublikong transportasyon.

Ayon sa PISTON, ang kanilang “Holiday Protest” ay simbolo ng patuloy na pakikibaka ng mga tsuper at operator laban sa mga polisiya na anila’y hindi isinasaalang-alang ang kanilang kabuhayan.