-- Advertisements --

Mas lumawak pa ang kilos protesta sa US laban sa Immigration and Customs Enforcement (ICE) matapos ang pagkasawi ng isang babae sa Minneapolis.

Hiniling ng mga protesters na tanggalin ang federal immigration authorities sa kanilang komunidad.

Mula New York, Washington DC, El Paso at Boston ay mayroong mahigit 1,000 katao na ang sumali sa kilos protesta.

Gumamit naman na pepper spray ang mga otoridad laban sa mga protesters na nagtangkang lumapit sa opisina ng ICE.

Sinabi naman ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na dahil sa insidente ay mas dinagdagan nila ang bilang ng mga Customs and Border Patrol Officers na ipinadala sa Minneapolis.

Magugunitang binaril hanggang masawi ang biktimang si Renee Good noong ito parahin ng ICE officers kung saan depensa ng White House na tinangka umanong sagasaan ng biktima ang mga otoridad.