-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.80 na pagtaas sa kada litro ng gasolina, habang mayroong P1.60 na pagtaas naman sa kada litro ng diesel.
Sa kerosene naman ay mayroong pagtaas ng P1.10 sa kada litro.
Paliwanag ng Department of Energy (DOE) na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagbabanta ni US President Donald Trump na kanilang lulusubin ang Iran.
Kasama na rin ang mataas na demand ng langis matapos na tamaan ng winter storm ang US at ang power issue sa Kazakhstan.
















