-- Advertisements --

Iniulat ng Human Rights Watch na patuloy ang mga drug-related killings sa Pilipinas kahit na nailipat na si dating Pangulong Duterte sa ICC, at hindi mananagot ang mga salarin.

Binanggit ng grupo na kakaunti ang ginawa ng administrasyon ni Marcos noong 2025 para tugunan ang harassment at pagpatay sa mga kritiko ng gobyerno, kabilang ang mga mamamahayag at aktibista, at nagpapatuloy ang red-tagging.

Nanawagan si HRW deputy Asia director Bryony Lau na kumilos ang gobyerno at papanagutin ang mga responsable, anuman ang ranggo.

Pinabulaanan naman ni PNP Chief Melencio Nartatez ang ulat, at iginiit na nakatuon ang PNP sa proteksyon ng karapatang pantao habang ipinagpapatuloy ang anti-drug operations. (report by Bombo Jai)