-- Advertisements --

Binuwag na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA).

Sa pamamagitan ng Executive Order 18 na pirmado ni Executive Secretary Ralph Recto ay ilalagay ang trabaho nito sa Office of the Executive Secretary.

Lahat aniya ng mga dokumento at ilang mga pag-aari ng OSAPIEA ay hahawakan na ng OES.

Ang nasabing kautusan ay para mabawasan ang hakbang ng Office of the President para mapalakas ang monitoring system at itaguyod ang komprehensibong paraan sa pagtugon sa hamo sa ekonomiya.