-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) na pabilisin ang pagtatapos ng libo-libong unfinished classrooms sa buong bansa, kasabay ng paghahanda na palawakin ang mga opsyon sa school building delivery simula 2026 upang matugunan ang kakulangan sa pasilidad ng basic education.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, nakikipag-coordinate ang DepEd sa DPWH, na inatasan sa mga nakaraang taon sa konstruksyon ng pampublikong paaralan, para mapabilis ang turnover ng delayed projects.

Batay sa pinakahuling datos, lagpas 8,000 classroom projects ang sabay-sabay na tinatrabaho para sa 2024 at 2025. Nasa 3,600 classrooms na ang natapos ng DPWH, at ang natitira ay patuloy na tinututukan para agad magamit ng mga mag-aaral. (report by Bombo Jai)