-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ni US President Donald Trump ang military options sa Iran.

Kasunod ito sa naging marahas na hakbang ng gobyerno laban sa mga nagsagawa ng kilos protesta.

Noong nakaraang mga araw ay na-briefing na ang US President ukol sa maaring panghihimasok na ng US.

Ayon sa White House na iprinisinta sa kaniya ng mga security team ang ilang mga options na sumentro sa pag-target nila ng security services ng Iran.

Iniingatan ngayong US na ang panghihimasok nila sa Iran ay maaaring mag-backfire sa kanila at masisira ang ipinaglalaban ng mga protesters.

Ang nasabing mga options ay paraan para matulungan nila ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Una ng sinabi ng gobyerno ng Iran na magreresulta sa negatibo ang anumang pangingialam ng US.