-- Advertisements --

Humingi ng tulong sa kapulisan si American boxer Ryan Garcia matapos na pasukin ng mga kalalakihan ang kaniyang bahay.

Pagdating ng mga kapulisan sa bahay ng boksingero sa Los Angeles ay wala na umano ang mga suspek.

Maaring nagtangka umano ang mga suspek na magnakaw sa bahay ng nasabing boksingero.

Ilang insidente na ang naiulat na nakawan sa Los Angeles kung saan kabilang na nabiktima dito ay si Yoshinobu Yamamoto ng LA Dodgers na tinangkang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay nito.