-- Advertisements --
Kinumpirma ng Iran na nagkaroon ng magandang resulta ang panibagong pag-uusap nila ng US.
Muli kasing nagpulong ang mga kinatawan ng US at Iran na ginanap sa Geneva, Switzerland para mapababa ang tensiyon.
Kasama sa pulong ang kinatawan ng Oman na nagsilbing mediator para tuluyang makumbinsi ang Iran na tigilan ang pagpapayaman ng nuclear.
Magugunitang nagbanta si US President Donald Trump na muli silang maglulunsad ng pag-atake sa nuclear site ng Iran kapag hindi tumugon sa usapin.
Umaasa naman ang bansang Oman na tuluyan ng tutugon ang Iran sa nasabing pag-uusap.














