-- Advertisements --

Kinondina ng gobyerno ng Yemen ang ginawang pag-atake ng Houthi rebels sa Saudi Arabia.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Yemen na tinarget ng drones at missiles ng Houthis ang mga lugar ng sibilyan sa mga lugar ng Khamis Mushait, Abha at Taif.

Mayroon aniyang 13 mga sibilyan ang nasugatan at ilan mga kabahayan at sasakyan ang nasira dahil sa pag-atake.

Tinawag ng gobyerno ng Yemen bilang paglabag sa soberanya ng Saudi at hindi dapat gamitin ang mga teritoryo bilang launching pad sa pag-atake sa ibang bansa.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng malawakang pag-atake ang Houthi rebels sa ilang bahagi ng Saudi Arabia matapos na akusahan nila ang mga ito na tumutulong sa gobyerno nila para labanan ang militanteng grupo.