-- Advertisements --
Patay ang isang katao at anim ang nasugatan sa isang pamamaril sa loob ng shopping mall sa California.
Nangyari ang insidente sa Spirit Halloween store na matatagpuan sa Solano Town Center shopping mall sa Fairfield.
Ayon kay Fairfield Police Chief Dan Marshall, na mayroong tinarget ang suspek na kaniyang binaril.
Tumulong na rin ang FBI para sa imbestigasyon sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek na mabilis namang tumakas matapos ang insidente.














