-- Advertisements --
Nakitaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng ‘red flag’ ang 47 sa 100 na mga flood control projects sa distrito ni Davao City Rep. Paolo Duterte.
Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, na ang nasabing proyekto ay bahagi ng P1.9 bilyon na halaga ng mga flood contro projects sa distrito ni Duterte.
Lahat aniya ng mga ito ay naibigay sa Genesis88 Construction Inc na malapit sa pamilya Duterte.
Paliwanag pa ni Matibag na ang mga ito ay ‘ghost’ at substandard.
Nakatakdang maglabas ng subpoena ang NBI sa 51 na mga indibidwal mula sa Genesis88 Construction ganun din sa Gemma Construction, Agong Construction, Department of Public Works and Highways at Commission on Audit para maliwanagan ang nasabing mga proyekto.















