-- Advertisements --

Ibinunyag ni US President Donald Trump na nasa malapit na ang kaniyang krusyal na desisyon kung tuluyan ng sirain ang mga kalaban sa Iran.

Sinabi nito na pinag-iisipan niya ang desisyon kung tuluyan bang sirain ang Iran o hindi.

Isa aniya itong malaking desisyon kung saan marami ang maaring mangyari.

Nagkakaroon din aniya ang Iran ng direktang kontak sa US dahil nais ng Tehran na magkaroon sila ng kasunduan ng US.

Mula kasi ng nagpatupad ang US ng pagharang sa Strait of Hormuz ay wala ng mga barko ang nakakarating pa sa Iran.

Paglilinaw nito na naging protective ang US sa mga Gulf countries kung saan sa susunod na linggo ay makakapulong niya ang mga lider ng Gulf countries.