-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa panukalang pagtaas ng excise tax sa mga matatamis na inumin.

Sinabi ni Finance Undersecretary Karlo Fermin Adriano na ang Pilipinas ay mayroong pinakamababang excise tax sa mga carbonated beverages kumpara sa mga karatig na bansa sa Southeast Asia.

Sa panukala ng Department of Finance (DOF) na target nilang itaas sa P20 kada litro mula sa dating P6 kada litro ang buwis sa mga matatamis na inumin na may sangkap ng caloric sweeteners habang ang mga gumagamit ng high fructose corn syrup ay gagawing P40 kada litro mula sa dating P12 na mayroong taunang pagtaas ng limang porsyento.

Ayon naman sa DOH na sa ganitong paraan ay mababawasan ang mga pagkonsumo ng mga matatamis na inumin na siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng kaso ng diabetes.