-- Advertisements --

Arestado ang isang municipal engineer sa Pampanga matapos mahuli sa aktong pagtanggap umano ng P50,000 kapalit ng pag-isyu ng dalawang environmental certificate para sa isang proyekto.

Isinagawa ang operasyon noong Nobyembre 4, 2026, ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), katuwang ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at iba pang yunit ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang residente na umano’y siningil ng karagdagang P50,000 para sa pagproseso ng dalawang Certificate of Non-Coverage (CNC), matapos nang magbayad ng P880,000 sa ilalim ng napagkasunduang transaksiyon.

Samantala, P1,240 lamang ang itinakdang processing fee para sa bawat CNC o kabuuang P2,480 para sa dalawang sertipiko.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Ease of Doing Business Act at iba pang kaugnay na batas.