-- Advertisements --
Nagtapos sa ikapitong puwesto ang Filipino swimmer na si Jamesray Mishael Ajido sa Men’s 50m Butterfly Final sa Dakar 2026 Youth Olympic Games matapos magtala ng oras na 25.49 segundo.
Nasungkit ni Zain Ali ng Egypt ang gintong medalya sa oras na 24.06 segundo, habang pumangalawa si Aleksej Kalanj ng Serbia sa 24.54 segundo.
Nakuha naman ni Andrew Marcus Laghoutis ng Cyprus ang bronze medal matapos magtala ng 24.57 segundo.









