-- Advertisements --

Bitbit ang suporta at pagmamalaki ng sambayanang Pilipino, nagtungo sa Puerto Rico ang Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski matapos ang kaniyang send-off ceremony sa NAIA Terminal 1.

Bago ang kaniyang pag-alis, ibinahagi ni Bea ang kaniyang Filipiniana-inspired outfit na sumasalamin sa lakas at dangal ng kababaihang Pilipino at sa yaman ng kulturang Filipino.

“The Filipino is worth fighting for,” ani Bea sa kaniyang social media post.

Kakatawanin ni Bea ang Pilipinas sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Puerto Rico sa Nobyembre 24.

Huling naiuwi ng Pilipinas ang korona noong 2018 sa pamamagitan ni Catriona Gray, na siyang ikaapat na Pilipinang nagwagi sa prestihiyosong kompetisyon.