-- Advertisements --

Kinilala na nga ang bagong Miss Universe Philippines 2026 na si Bea Millan-Windorski sa katatapos lang na kompetisyon, kung saan muli na namang naging sentro ng atensyon ang question and answer portion ng pageant sa mga netizens.

Sa huling bahagi ng kompetisyon, tinanong si Bea: “Many Filipinos are getting frustrated with the country. For you, why is it still worth it to represent the Philippines on the global stage?”

Sa kanyang sagot, ibinahagi ni Bea ang personal niyang koneksyon sa Pilipinas at ang kanyang pananaw sa serbisyo publiko at oportunidad para sa mga Pilipino.

“The Philippines is something and a place I fell in love with my whole life… I believe in the limitless potential of the Filipino people and the need to create local opportunities so people don’t have to go abroad to survive and thrive,” ani Bea, na nagmula sa La Union.

Dagdag pa niya, kung mabibigyan ng pagkakataon, nais niyang magsilbi bilang isang “public servant for all.”

Kasunod ng kanyang pagkapanalo, agad namang nagpaabot ng pagbati ang mga dating Miss Universe titleholders na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Si Bea ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2026 na gaganapin sa Puerto Rico sa huling bahagi ng taon.

Sa kabila nito, napapansin ng ilang pageant fans ang tila pagbaba ng mga tanong sa beauty pageants kumpara sa mga nakaraang taon na halos ginigisa at itinuturing highlights ang Q&A sa final part ng pageants habang mas tumitindi naman ang atensyon ng publiko sa ibang pop culture acts gaya ng BINI matapos ang kanilang performance sa Coachella.