Arestado ang mag-asawa sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa umano’y illegal recruitment sa harap ng isang Mall sa Cotabato City noong Nobyembre 4, 2026.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Bai” at “Asir,” na nahuli habang tumatanggap umano ng P10,000 processing fee mula sa isang aplikante kapalit ng pangakong trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa CIDG, wala umanong lisensiya o awtorisasyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW) ang mga suspek upang magsagawa ng recruitment para sa overseas employment.
Sinasabing ginagamit din ng dalawa ang personal na transaksiyon at online platforms upang makahikayat ng mga aplikante sa BARMM at mga karatig rehiyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.














