-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Pilipinong nagbabalak magtungo sa Australia na huwag gamitin ang visitor visa upang makapagtrabaho, dahil maaari itong magresulta sa malalang parusa tulad ng deportasyon.

Sa abiso na inilabas ng ahensya, binigyang-diin ng nito na napapansin nilang may mga manlalakbay na kumukuha ng visitor visa sa Australia na Ang purpose ay higit pa sa kanilang pakay.

Ayon sa DMW, ang Australian visitor visa o Subclass 600 ay eksklusibong inisyu para lamang sa maikling turismo, business visits, o pagbisita sa pamilya at hindi kailanman dapat gamitin bilang pamalit sa work visa.

Nagbigay ng matinding paalala ang ahensya sa posibleng kahihinatnan ng mga lalabag sa immigration laws ng host country.

Upang maiwasan ang mga ganitong insidente at maprotektahan ang mga Pilipino, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Office of Migration Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Philippine Consulate General sa Sydney.

Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang kampanya sa impormasyon upang matiyak na ang mga manlalakbay na ang mga Filipino national ay fully informed.

Pinayuhan ng ahensya ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais maghanapbuhay sa ibang bansa na siguraduhing kumuha ang mga ito ng kaululang requirements sa pagtatrabaho.

Bilang bahagi ng kanilang mandato na protektahan ang mga manggagawang Pilipino, nagbigay ng kasiguruhan ang ahensya sa pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo.