Pumalo na sa record na P17.708 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2025, mas mataas sa target ng gobyerno.
Ayon sa Bureau of the Treasury ang nasabing pag-taas ay bunsod umano ng mas maraming utang ng bansa dulot ng “strategic net issuance” ng mga debt instrument upang pondohan ang mga programa ng gobyerno kasama na ang paghina ng piso laban sa dolayar at iba pang foreign currencies.
Batay pa sa pagtataya ng Bureau of the Treasury, tumaas ng 10.32% ang outstanding debt ng National Government mula sa P16.05 trillion noong 2024. Mas mataas’yan ng halos 2% kumpara sa inaasahang P17.36 trillion sa pagtatapos ng taon.
Ayon sa ahensya kumpara noong Nobyembre, bahagyang tumaas ng 0.34% ang utang ng bansa mula sa P17.65 trillion.
Sa kabila nang pagtaas ng utang ng Pilipinas sinabi Bureau of the Treasury na nananatiling matatag ang debt profile ng bansa dahil sa 68.4% ng kabuuang utang na mula sa domestic sources o mga resources, pondo, o materyales na nagmumula sa loob ng bansa.














