Nagtala ng record-high na P18.16 trillion ang kabuuang utang ng bansa noong Pebrero 2026, ayon sa Bureau of the Treasury.
Tumaas ito ng P25 bilyon o 0.14% mula sa P18.13 trilyon noong Enero, bunsod ng karagdagang domestic borrowing.
Ang domestic debt ay umabot sa P12.48 trillion, katumbas ng 68.7% ng kabuuang utang, matapos mag-isyu ng bagong securities para sa mga proyekto ng pamahalaan.
Samantala, bumaba ng P128.65 bilyon ang foreign debt sa P5.68 trilyon dahil sa favorable exchange rates na nagbawas sa halaga ng dollar-denominated loans.
Bagamat may bagong foreign loans na P7.78 bilyon, na-offset ito ng currency gains.
Ayon sa Treasury, nananatiling stable at well-managed ang debt profile ng bansa.
Sa kabila ng paglobo ng utang, iginiit ng pamahalaan na patuloy na may tiwala ang mga investor sa credit standing ng Pilipinas.
















