Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga mamamayang Filipino na ingatan ang kanilang kalusugan at tiyakin ang kaligtasan habang nagkakasiyahan ngayong Holiday.
Ayon sa pangulo na dapat ay mag-ingat sa pagmamaneho lalo at iwasan na lamang ang paggamit ng paputok.
Iminungkahi ng pangulo ang paggamit na laman ng nga torotot at ibang uri na mga maingay na laruan para malayo sa anumang disgrasya.
Dahil sa hindi maiwasan ang mga dami ng pagkain ay mahalaga na kontrolin ito para hindi makasama sa kalusugan.
Nagbiro din ang pangulo na sa mga magdadala ng pagkain sa salo-salo ay dapat ay damihan na lamang para may maibalot pauwi ang iba.
Sa huli ay hinikayat ng pangulo ang lahat na magpasalamat na lamang sa mga regalong natatanggap lalo na kung ito ay galing sa puso ng nagbigay.
















